Notice of Nondiscrimination: Tagalog

Alamin ang Iyong Mga Karapatan

Access sa Wika sa Mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao

Nais ng Departamento ng Kalusugan at Serbisyong Pantao (Health and Human Services, HHS) ng U.S. na tiyaking makukuha ng lahat ng nasa Amerika ang pangangalagang pangkalusugan at mga serbisyong pantao na kailangan nila. Kasama dito ang mga taong hindi marunong magsalita ng Ingles at mga taong may kapansanan. Naniniwala ang HHS na dapat tratuhin nang patas at may paggalang ang lahat.

Ang Tanggapan para sa mga Karapatang Sibil (Office for Civil Rights, OCR) ng HHS ay nagpapatupad ng mga batas na nagpoprotekta sa iyo laban sa diskriminasyon sa kalusugan at mga serbisyong pantao batay sa iyong lahi, kulay, bansang pinagmulan, kasarian, edad, relihiyon, at kapansanan. Nagpapatupad din ang OCR ng HHS ng mga batas na nagpoprotekta sa pagkapribado at seguridad ng iyong mga medikal na tala.

Hindi ka maaaring tanggihan sa pagsaklaw sa pangangalagang pangkalusugan o sa pagpapagamot dahil sa iyong lahi, kulay, bansang pinagmulan, kasarian, edad, relihiyon, o kapansanan sa karamihan ng mga serbisyo at programa ng pangangalagang pangkalusugan.

Tulong sa Wika para sa Lahat – Mga Mahalagang Karapatan

  • Hindi ka maaaring pabayaan, tanggihan sa mga benepisyo, o makaranas ng diskriminasyon mula sa sinumang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan, tulad ng mga doktor, nars, ospital, klinika, o serbisyong panlipunan.
  • May karapatan kang tumanggap ng pangangalagang pangkalusugan nang personal o malayuan, kabilang ang telehealth, mga website at mobile app, nang walang diskriminasyon.
  • Kailangang tiyakin ng iyong mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na maaari silang makipag-usap sa iyo sa paraang mauunawaan mo kapag kailangan mo ang kanilang pangangalaga o mga serbisyo.
  • Kung ikaw o ang isang taong kasama mo ay hindi marunong magsalita ng Ingles o hindi marunong magbasa, magsulat, magsalita, o makaintindi ng Ingles nang maayos, maaari kang makakuha ng tulong sa mga serbisyo sa wika (tulad ng interpretasyon o pagsasalin) nang libre mula sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan.
  • Hindi mo kailangang magdala ng sarili mong interpreter, magbayad para sa isang interpreter, o umasa sa isang bata o miyembro ng pamilya na magsalin para sa iyo.
  • Kung mayroon kang kapansanan, maaari kang makakuha ng mga gamit at serbisyo, na tinatawag na karagdagang pantulong at serbisyo, para matulungan kang maunawaan ang impormasyon nang libre mula sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan.

Saan Ka Makahahanap ng Higit pang Impormasyon?

Para sa tulong sa pag-access sa wika, makipag-ugnayan sa: frontdesk@sawtoothmountainclinic.org

Para sa tulong sa karapatang sibil at pagiging pribado ng impormasyon ng kalusugan, bisitahin ang: www.hhs.gov/ocr.

Paano Ka Makapaghahain ng Reklamo?

Kung sa tingin mo ay hindi makatarungan ang pagtrato sa iyo o sa ibang tao o nakaranas ng diskriminasyon dahil sa lahi, kulay, pinanggalingan, kasarian, edad, o kapansanan, o kung sa tingin mo ay hindi pinananatiling pribado ang iyong impormasyon sa kalusugan o ng isang tao, maaari mo itong sabihin sa OCR ng HHS.

  • Maaaring maghain ng reklamo ang isang tao para sa iyo, tulad ng isang miyembro ng pamilya, organisasyon ng adbokasiya, kaibigan, o katrabaho.
  • Ang OCR ng HHS ay maaaring magbigay ng impormasyon sa iba’t ibang format (tulad ng Braille o malalaking imprenta) at mag-alok ng mga libreng serbisyo para matulungan ka, tulad ng serbisyo ng paghahatid o relay, o tulong sa wika.

Paghahain ng Reklamo o Pakikipag-ugnayan sa OCR ng HHS:
Website | Email: OCRMail@hhs.gov | Telepono: 1-800-368-1019 | TDD: 1-800-537-7697